liars go to hell!!!
visited *loading* times
NGAYON sisimulan kong magsulat ng tagalog..hindi naman sa hindi ako marunong magsulat sa sarili kong wika..marahil nadala na rin ako sa nakalakhang burges na lipunan..kung saan ang marunong mag-ingles ay matalino..kahit sa totoo lang ay wala namang laman ang sinasabi..para bang tuluyan tayong nalulunod sa form at nakakalimutan na ang substance.. problema yan ng lahat..mula sa mga artista hanggang sa mga pulitiko, mga coño at iba pang ang tanging hangad lang yata sa buhay ay ang magpasikat.. nariyan ang pilit na gumagamit ng wikang banyaga kahit na bali-liko naman..di rin naman sila lahat dapat na sisihin sa pagkakaroon ng below sea level consciousness..nakakaawa naman. sila ay produkto lamang ng kultura ng kamangmangan na pilit na sinusubo sa atin ng mga dayuhan at iilang naghaharing-uri..
naaawa rin ako kay Kris Aquino, na nakakalimutan yata na hindi lang siya ang nabubuhay sa mundo..na ang lipunan ay malawak at hindi lamang nakapaloob sa lovelife ng isang tao.
Naaawa ako kay Sen Pangilinan dahil sa kanyang pagkukuwari ng katalinuhan ngunit di naman talga nauunawaan na ang pagbabago ng UP charter ay makakaapekto ng lubos sa libu-libong mga kabataang nag-aaral sa UP.
Naawa din ako sa maraming kongresista na bumoto para sa dagdag na 2% VAT dahil pinili nilang maging bulag at bingi sa mga hinaing ng sambayanang Pilipino.
Pero hindi naman lahat dapat kaawaan mayroong ding iilang taong dapat na hangaan at tularan..
Nariyan si teddy casiño, joel virador, satur ocampo ng bayan-muna, liza masa ng gabriela, crispin beltran ng anakpawis at iba pang walang kapaguran sa pagsasaboses sa tunay na damdamin ng uring pinagsasamantalahan..
Masaya ang humanga..nakakapagod ang maawa..sana sa susunod puro paghanga na lang ang nakapaloob dito sa blog ko..ang awa madaling palitan ng poot at galit..pag nagagalit ako..nagiging marahas ako..
Ipagdasal lang ng mga nagsasamantala na di gaya ko ang mamamayan..na pag napuno ng galit ay hahawak ng armas at gagamit ng rebolusyonaryong dahas..ipagdasal lang nila...

today
December 2007
October 2006
April 2006
February 2006
January 2006
September 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
November 2004